English | Español | 中文 | 日本語 | Pусский | Tiếng Việt | 한국어| Tagalog | Samoa | العربية | Français | ພາສາລາວ | ไทย | ភាសាខ្មែរ
Bisyon
Upang makalikha ng malalapitan na Mariner Community Campus na makapagbigay ng mga pangunahing pangangailangan at mapagkukunan sa mga lokal na residente sa komunidad ng Mariner-area. Ang kampus ay ibabatay sa isang permanenteng publiko-pribadong pagka-kasama sa:
- Paggawa ng ligtas at malalapitan na kampus ng komunidad
- Pagbigay ng benepisyo sa komunidad na tumutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga residente
- Pagsuporta sa lugar ng Mariner sa pamamagitan ng pinagsama-sama at mataas na kalidad na serbisyo at pasilidad na nagtataguyod ng malusog na pamilya at malakas na komunidad
Kasama sa mga gabay na prinsipyo ng proyekto ay ang: Libre and pantay na paraan sa pagkuha ng mga mapagkukunan at teknolohiya, oportunidad sa komunidad, koneksyon sa komunidad at katarungan para sa lahat.
Ang Mariner Community Campus 2020 Fact Sheet at 2018 Fact Sheet ay magbibigay pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagsulong ng proyektong ito.
Sanligan
Natukoy ng Sno-Isle Libraries ang isang kakulangan na pangangailangan at noong Pebrero 2017, ay binuksan ang Mariner Library sa harap ng isang tindahan bilang isang proyektong pang demonstrasyon. Mula nang magbukas ang mga pinto, mayroon nang higit sa 80,000 pagbisita sa aklatan ng komunidad.
Sen. ng Estado Marko Liias, D-Mukilteo, na pamilyar sa mga hamon ng pagkamit ng mga serbisyo na hinaharap ng mga residente sa lugar, ay tumingin sa tugon ng komunidad at nakakita ng pagkakataon para sa higit pa.
Noong 2017, nagsimula ang pag-uusap tungkol sa konsepto para sa isang permanenteng Mariner Community Campus kasama ang United Way Snohomish County, Snohomish County Executive Dave Somers, and Mukilteo School District at Sno-lsle Libraries. Sa pamamagitan ng mga pag-uusap na iyon at si Sen. Liias sa kanyang mga gawain sa Lehislatura, ang 2018 Capital Budget ng estado ay may kasamang alokasyon na $322,000 upang masimulan ang paghubog ng pananaw para sa isang Mariner Community Campus.